RAT nga pala bukas. Isang buong araw nanaman ng sobrang katamaran. Ayokong pumasok, kaso wala pa kong absent eh. Sa friday naman NAT. Mas nakakatamad yun kasi tatlo lang kaming magkaklaseng mgkakasama sa room. Halohalong sections na. Waah. Tapos mga araw na inbetween magchecheck ng mga test papers. Waah. Woe is me.
20 days till graduation (not counting the weekends). 20 days to savor the presence of the school, along with the company of your friends, classmates, schoolmates and teachers. 20 days to say goodbye to the place, and starting holding on to the memories of highschool. The learnings will never be forgotten. The memories shall be held forever in our hearts. Highschool: the best time and the worst times of a person’s life.
BAKIT ANG DAMI MO. Ang hirap mong intindihin. Ano ba gagawin ko sayo? Ganyan ka ba talaga? Ginagawa mong komplikado buhay ko. Pero wala naman akong magagawa kundi intidihin ka. Kailangan kitang intindihin kasi kailangan kita. Bukas aayusin ko na mga kailangang papeles. Ipapaphotocopy kita para maayos kitang masagutan. Sana naman magkaayos tayo. Love, JPML.
STUDENT’S DAY kahapon. Isa akong Students Mentor. Morning pa lang, papasok na kaming nakadecent attire. Yung pang teacher. The earlier, the better. Ayun. Maaga naman akong pumapasok eh. Tapos flag ceremony na. Pinapababa na lahat. Ayun, pinababa koyung advisory class ko. Binantayan ng flag ceremony. After nun, pinakilala kami isa isa. Tapos ok na. Umakyat na kami. May tatlong classes ako. Masaya naman. Mahirap lang manaway. Buti na lang may mic ako. Di mahirap sumigaw.
FIRST FRIDAY MASS din nun. De syempre ako magaayos ng pila ng advisory ko. Ang hirap sumigaw kung walang makikinig sayo. Waah. Hanap ng upuan. Walang pwesto section ko kasi mabagal sila. Tapos nun eh ayun na. Ok na. Nagmass na. Balik na uit ng room. Lunch muna. Tapos lass class na.
CLUB CULMINATING na yung sunod na event. Ayos lang yun. Madaling manaway. May teachers na din kasi nun. Ayun. Nuod lang. Entertaining naman yung mga performances. Tapos pinatawag na kami.
MEETING WITH DEAN. Alam niyo kung ganong nakakastress yun? Kami kasi yung in-charge sa yearbook namin. 11 kami. 2 lang kaming comp-des. Tapos puro writer na. May dalawang photojourn. Ayun lang naman. May meeting ulit sa monday eh.
CL QUIZ COMPLETION naman. Binigla kami ni Mam. Quiz #2 daw kulang ko. Eh late na ko sa susunod kong agenda. 5 minutes ko lang sinagutan. Ayos lang naman sigurado yung score ko. Matapos lang yung mga kulang ko.
SBO SEMIFINALS na nun. 5 nagstart. 30 questions na mahahaba. Tapos ichecheck isa isa. 15 contestants. Ayun. 6:30 na ako nakauwi nun. Pagod na pagod.
Napaka saya kahapon. Fulfilling ang araw na yun. That was my last Student’s Day as a Student Mentor.
Student’s Day namin kanina. Isa akong Student Mentor o Student Teacher. Computer teacher at adviser ako. May 3 periods ako kanina. Puro hour classes sa comp lab. Ang hirap magpatahimik. Tapos nagbantay pa ko nung mass. PAGOD NA PAGOD AKO. Wew. Nakakahectic ng buhay. Ayun. Pero masaya syempre. Tapos binigyan ako ng pabango! Haha. With matching message “Jorem, Thank You! May you continue to be blessed and a blessing to others. Ms. Lacdao.” Ayun. ANg saya! Haha. Will post more details tomorrow.
hindi ako pumasa sa OWWA Scholarship. T.T
Sa totoo lang, hindi ako magaling sa mga ganyang klaseng mga bagay. Hangga’t maari, hindi ako magsasalita sa harap ng maraming tao. Okay lang naman sakin eh, basta alam ko kung ano sasabihin ko at hindi ganito na spontaneous. Magturo ng math? ng chem? Ayos lang yun. Pero magspeech sa harap? No. Nevermind. May stage fright ako eh. Haha. Ayun. Ako last na nag extempo sa section namin kahapon. Nung pipili na ko ng topic, wala nang matira. Isa na lang. So no choice. Ayun. Nung tiningnan ko eh ayun. ”Reading should not become a lost art.” Inaasahan ko nahindi ko mabubunot yan. Pero ayun, nakuha ko. Ang saya saya lang. Haha. Pero syempre, hindi ako ganong kagaling, pero marami rami naman akong nasabi. It really went better than expected. Yung last line ko eh: “If I were to be asked, reading should not become a lost art for reading is an instrument of learning. Without reading, there is no such thing a proper learning.”
