Mas legible sa left. Medyo gradeschool sa right. Pero pag sa black board, halos magkapareho lang.
Pero hindi masarap sa feeling na wala ka na gagawin kasi matatapos na ang high school life mo.
Pero ayaw kong maghiwahiwalay kaming magkakaklase. :’(
Bakit ganon? Bata pa ba ko? Grade school pa ba ko? Ano ako, musmos na paslit? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mula sa simula hindi na ko pinapayagan sa mga gala, o kahit sa mga event lang. Dapat aral muna. HELLO? Hindi ba ko nagaaral ng mabuti? DUH. Naiinggit talaga ako sa mga bata na basta pumasa eh ok na sa mga magulang nila. Ako? Eto. Nabubulok sa bahay. Hindi ako makagala. Ganon talaga siguro. Pero kasi hindi ko talaga tanggap na ako tong nagaaral ng mabuti, na minsan na lang magpaalam, eh hindi pa pinayagan. Tulad ngayon. Nasa Malolos sila. Youth Vigil. Simbahan pa yun. ANg to think na hindi ako gagala sa mall or something. Ewan. Ang tigas tigas lang nila.
May mga bagay na hindi kayang maayos ng simpleng SORRY.
May mga bagay na minsan nakakawalang gana na talaga.
Today My Life Begins
Gusto yan yun graduation song ng batch namin. Obvious naman sa title kung ano yung message para saming graduating. Ewan? Alam mo yun. Unang beses ko narinig yung kanta na to, sabi ko na sa sarili ko, dapat yan grad song namin. Ewan ko. Alam mo yung feeling na may tumutulak sayo na gawin yun? Kaso ayaw nila. Gusto nila Kanlungan. Gusto nila nakakaiyak. Pero para kasing hindi pang graduation. Hindi pang teenager na papasok na ng bagong yugto sa buhay niya. Sana sa ibang section eto yung pinili.
7:30-9:30 - Our Lady of Fatima (Earth Song)
Ao ayun. Two hours sa pinakamagulong section EVER. Buti na lang nagbantay lang ako. Practice lang. Pero sobrang ingay talaga nila. Isang group lang yung nagpractice. Tapos nung 30 minutes na lang eh tinamad na sila magpractice/magingay. Nagpatugtog sila ng You are the Music in Me. May naghoholding hands pala. Haha. Kebata bata pa eh, gumaganyan na. Anyways, ang ingay nila.
9:50-11:50 - Our Lady of Peace (Inverebrates)
Ayun, pumasok muna ako. Nagpadasal. Tapos nung sisimulan ko na magturo eh biglang pumasok si Mam. Siya na daw. Tapos nung lalabas na ko, wag daw muna. Tapos sabi ako nga daw. Magcocompute daw siya ng grades. Ang gulo lang. Tapos ayun, naglesson ako. Maingay din, kaya dapat eh malakas ng bongga. 55 slides ng Kingdom Animalia. Lahat ng Phylum sa Invertebrata eh nadiscuss ko. Pati mga subphylums saka class. Diba? Ayun. Sumakit lang ng bongga ulo ko. ANg init init pa. Ayun lang. Hayyyy.
Last mentorship na yan. Tsk. Mamimiss ko maging teacher. :(
Alam ko yan. Simula bata ako lagi na ko nakakaranas niyan. Alam mo yung feeling na lumalaki ka na ginaganyan, na isang araw eh nakasanayan mo na lang na maraming tao ang nambubully sayo? Sige, siguro nga eh hindi physical bullying. Sige salita lang. Pero malaki nagagawa ng isang salita sa pagiisip ng lumalaking bata. Pag sinabihan mo ng bobo yung isang bata, lalaki siya na iisiping bobo nga siya. Hindi niyo alam na kahit isang biro, na paulit ulit mong ginagawa eh nakakasakit na din? Sana lang maintindihan niyo na hindi lahat ng biro nakakatuwa. Sinisira niyo lang unti unti yung pagkatao at tiwala sa sarili ng isang bata. Sana maintindihan niyo, pero mali kayo. Sana lang hindi na kayo maabutan ng karma.
